Empleyado ng Gobyerno na tulak-droga sa Ilocos Norte, kalaboso!

1120
iFM Laoag – Huli sa Drug-Buy bust-operation ang tulak-droga na utility worker sa Munisipyo ng Bayan ng Burgos, Ilocos Norte.
Nakilala ang suspek na si Reynold Ramos y Fayloga, 54, may asawa, at limang taon nang naninilbihan bilang empleyado ng gobyerno at residente ng nasabing bayan.
Nakuha sa suspek ang 9 na plastic sachets ng shabu – kabilang na dito ang binili ng puseur buyer na pulis.

Aminado naman ang suspek na gumagamit umano ito ng illegal na droga nitong lunes lamang. Taong 2016 ay isa siya sa mga drug surrendered sa lalawigan at nabigyan pa ng iyuda ng gobyerno ngunit bumalik ito sa kanyang bisyo.
Ayun kay Ilocos Norte Police Director Colonel Julius Suriben, patong-patong na kaso sa paglabag ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. ### Bernard Ver, RMN News
Facebook Comments