Nasa 10 mga pangunahing kalsada sa Visayas at Mindanao, apektado ng Bagyong Odette

Umaabot sa sampung pangunahing kalsada sa ilang bahagi ng Visayas at Minadanao ang hirap na madaanan sa ngayon dahil sa pananalasa ng Bagyong Odette.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), ito’y dahil sa pagbaha, nagbagsakan mga puno at bato, pagguho at pagbagsak ng lupa at landslide.

Sa datos ng DPWH, dalawang kalsada mula sa Region 7 ang sarado dahil sa pagbaha habang dalawa rin ang naitala sa Region 10.


Anim na pangunahing kalsada rin ang sarado at hindi madaanan ng mga light vehicle dahil sa nagbagsakang mga bato, pagguho ng lupa at landslide sa Region 13.

Kasalukuyan namang gumagawa na ng paraan ang DPWH para masolusyunan ang problema habang naka-monitor na rin sila sa iba pang pangunahing kalsada at tulay na maaaring maapektuhan ng dahil sa bagyo.

Nag-deploy na rin ang DPWH ng higt 7,000 na tauhan para tumulong at magmonitor sa pananalasa ng bagyo mula Region 4 hanggang Region 13.

Facebook Comments