Nasa 100 pamilya, apektado sa isinagawang demolisyon sa Navotas

Navotas City – Nananatili muna sa isang covered court ang tinatayang nasa 100 mga residenteng apektado sa isinagawang demolisyon sa
Naval st. corner Lapu Lapu brgy. NBBS Navotas City.

Alas-diyes kaninang umaga ng isagawa ang demolisyon sa pangunguna ni Sheriff Amado Batac sa tinatayang 70 kabahayan sa lugar.

Ayon kay Batac matagal nang pinapaalis sa lugar ang mga nakatira dito dahil naipanalo na ng tunay na mayari ang karapatan sa lupa ngunit nagmatigas pa rin ang mga ito, dahilan ng paglalabas ng court order para paalisin ang mga nakatira dito.


Sa pagsisimula ng demolisyon, pumalag ang ilang residente kasama ang ilang grupo na tumutulong kung saan nauwi pa sa tulakan ngunit sa huli ay wala na rin silang nagawa.

Nasa limang kalalakihan naman ang dinakip ng Northern police dahil sa panlalaban sa mga demolition team.

Facebook Comments