Philippine National Womens Volleyball Team, handang-handa na sa magiging laban kontra Malaysia sa 2017 SEA Games

185

Sports – Handang-handa na ang Philippine National Women’s Volleyball Team sa pagsabak nila sa 2017 Southeast Asian Games.
Makakaharap ng national squad ang team ng Malaysia mamayang alas-dos ng hapon kung saan sunod nilang makakalaban ang Vietnam sa sabado.
Ayon kay Coach Francis Vicente, sisikapin nilang manalo sa dalawang laban para lumakas pa ang kanilang tsansa na makasungkit ng medalya sa Womens Volleyball na huling nakuha ng Pilipinas noong 23rd edition ng SEA Games na ginanap sa Pilipinas.
Pangungunahan nina Mika Reyes, Alyssa Valdez, Jaja Santiago, Aby Marano, Jovelyn Gonzaga, Kim Fajardo,Dawn Macandili,Rhea Dimaculangan, Maika Ortiz, Gen Casugod, Aiza Pontillas at Ces Molina.

Facebook Comments