Pinapayagan nang makaalis ng bansa ang nasa 10,000 healthcare workers.
Ito ang inanunsyo ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa kabila ng temporary suspension ng overseas deployment ng healthcare frontliners.
Ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia, karamihan sa mga ide-deploy na health workers ay mga nurses na Balik-Manggagawa.
Aniya, ito ang mga nagbakasyon sa Pilipinas ngayong Yuletide Season.
“We continue to allow them, our Balik Manggagawa, to leave,” ayon kay Olalia.
Sinabi rin ni Olalia na ang mga healthcare workers na natanggap sa ilalim ng government-to-government agreements maging ang mga nai-deploy ng recruitment agencies ay maaari na ring umalis.
“Those deployed by licensed recruitment agencies, if they were able to perfect their contracts, first by March 8, then now by August 31, we allow them to leave,” dagdag ni Olalia.
Nabatid na inanunsyo ng Malacañang na ang mga healthcare workers na mayroong kumpletong dokumento mula nitong August 31 ay pinapayagan nang umalis.