Tinatayang nasa 200 American businessmen ang nais makipag-usap kay Pangulong Bongbong Marcos sa Washington DC.
Ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Romualdez, ang ganitong mga pagkakataon ay pagpapakita sa hanay ng mga negosyanteng Amerikano ng kanilang interes para sa posibilidad na maglagak ng kanilang pamumuhunan sa bansa.
Sa katunayan aniya ay naghanda pa ng isang dinner meeting ang malalaking negosyante para kay Pangulong Marcos.
Ang mga ito ay nagmula sa US business society na nakabase sa Washington at partner ng Pilipinas sa larangan ng pagnenegosyo.
Samantala, may naka-schedule ding pakikipagpulong si Pangulong Marcos kay US Secretary of Commerce Gina Raimondo.
Facebook Comments