Nasa kabuuang 200 na mag-aaral ng Junior at Senior Highschool ang nakiisa sa mental health symposium nitong Miyerkules, September 7, 2022 sa Lupigue Integrated School, City of Ilagan, Isabela.
Isinagawa ni Ginang Gretchen Abella, Guidance Councilor mula sa Isabela National Highschool ang lecture ukol sa mental health. Pinangunahan naman ng 201st Maneuver Company ang lecture ukol sa pagsugpo ng terorismo at tinalakay ng Ilagan City Police Station ang masasamang dulot ng iligal na droga.
Kaugnay nito, ibinahagi rin ng KKDAT Ilagan sa pangunguna ni Ginoong Richard Mata ang mga programa at proyekto na kanilang isinasagawa para sa mga kabataan.
Layunin ng nasabing aktibidad na magbigay ng ibayong kaalaman at kamalayan sa mga kabataan ukol sa pangkaisipang kalusugan, mailayo sa paggamit ng iligal na droga at panlilinlang ng komunistang teroristang grupo.
Facebook Comments