MAGSASAKA, ARESTADO MATAPOS MAHULIHAN NG BARIL

30
Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos mahulihan ng di lisensyadong baril sa bayan ng Mallig, Isabela kanina umaga, Setyembre 8, 2022.

Kinilala ang suspek na si Edgar Sumer y Manuel at residente ng Sitio Villa Corazon, Manano, Mallig, Isabela.

Sa ibinahagi ng impormasyon ng Police Regional Office 2, nakatanggap ang PNP Mallig ng tawag mula sa isang concerned citizen ukol sa isang lalaki ang sumisigaw at nagwala sa kanilang lugar na may bitbit na baril.

Agad naman remesponde ang mga kapulisan ng Mallig Police Station sa nasabing lugar.

Nagawa pang tumakas ng suspek gamit ang motorsiklo nito ng makita ang mga pulis ngunit kalauna’y nahuli rin.

Nakumpiska mula sa pag-iingat ng suspek ang Improvised Gauge 12 Shotgun at mga bala sa kanyang sling bag.



Ang suspek at ang nakumpiskang ebidensya ay nasa kustodiya ng Mallig Police Station at nahaharap sa kasong Paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Facebook Comments