Nasa 40,000 pulis kikilos sakaling magpatupad ng lockdown sa NCR

Tiniyak ni PNP Chief General Archie Gamboa na handa ang Philippine National Police (PNP) sakaling magpatupad ng lockdown sa Metro Manila dahil na rin sa banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay PNP Chief nasa 40,000 na mga pulis ang kikilos kung sakaling magpatupad ng lockdown sa Metro Manila.

Aniya, 28,000 pulis manggaling sa National Capital Region (NCR) police at 10,000 pulis magmumula sa national support units sa Camp Crame.


Pero sinabi ni Gamboa lahat ng magiging kilos ng mga pulis na ito ay magmumula sa protocol na ipapatupad ng Department of Health (DOH).

Facebook Comments