Nasa 43 indibidwal sa Lungsod ng Pasay, arestado sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya

Manila, Philippines – Arestado ang 43 indibidwal sa Lungsod ng Pasay makaraang magsagawa ng anti criminality campaign ang pulisya.

Kabilang sa mga nadakip ang tatlong most wanted person na mayroong mga kasong robbery at rape, habang siyam na iba pa ang hinuli dahil sa iligal na droga.

Labing pito ang nahuling umiinom sa pampublikong lugar, isa ang nahulihan ng baril, habang isa rin ang nahuling may dalang patalim.


Kabilang din sa mga dinampot ang walong barker habang apat naman ay sangkot sa illegal gambling.

Hinahainan na ng kaukulang kaso ang mga nahuling suspect.

Facebook Comments