Nasa 500 drug surrenderee na sumailalim sa rehabilitation program ng QC, binigyan ng trabaho sa itinatayong MRT line 7

Manila, Philippines – Nasa 500 drug surrenderee na sumailalim sa rehabilitation program ng Quezon City ang bibigyan ng trabaho bilang flagmen at construction workers sa itinatayong Metro Rail Transit line 7 (MRT-7).

Ayon kay Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte – sa April 25, pipirma ang Quezon City Government ng kontrata sa San Miguel Corporation para sa planong pagbibigay ng trabaho sa mga drug dependents na tatagal ng tatlong taon.

Inanunsyo ito ni Belmonte kasabay ng graduation day ng 100 drug user mula sa 10-libong drug surrenderer na sumalang sa 3-month community-based rehabilitation program ng lungsod.


Pinaplantsa na rin ng lokal na pamahalaan ang kasunduan sa iba pang pribadong kumpanya para mabigyan ng trabaho ang mga nagbabagong-buhay na drug user.
Nation

Facebook Comments