Mas maginhawang biyahe sa Metro Manila, mararanasan na sa taong 2020

34

Manila, Philippines – Inaasahang makararanas na ng mas maginhawang biyahe ang mga motorista sa Metro Manila pagsapit ng taong 2020.

Ito’y kapag natapos na ang harbor link na siyang magkokonekta sa North Luzon Expressway mula sa Mindanao Avenue patungong C-3 sa lungsod ng Maynila.

Ayon sa Department of Transportation, oras na matapos ang proyekto magiging 20 minuto na lamang ang biyahe mula Alabang, Muntinlupa patungkong Balintawak.

Habang sampung minuto na lamang mula Maynila hanggang NLEX.

Maliban dito, inuumpisahan na rin ng DOTr ang paggawa sa NLEX at SLEX connector road.
Nation

Facebook Comments