Nasa 8,000 mga preso sa California, palalayain dahil sa banta ng COVID-19

(California Map)

Aabot sa hanggang 8,000 preso ang palalayain sa California, US para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019.

Sa report ng California Department of Corrections and Rehabilitation, planong palabasin ang mga nakakulong sa katapusan ng Agosto– kabilang sa 10,000 mga presong una nang napalaya nang magsimula ang krisis.

Ito ay para raw sa kaligtasan ng mga bilanggo at staff ng mismong mga kulungan partikular na ang pinakamatandang bilangguan sa nasabing bansa, ang San Quentin.


Sabi ni State Governor Gavin Newsom noong nakaraang Martes, kinailangang pagtuunan ng pansin ang mga kulungan matapos magpositibo ang mahigit 1,000 mga preso.

Dagdag pa ng nasabing pahayag, lahat nang palalayain ay kinailangan umanong sumailalim sa COVID-19 test bago tuluiyang mapalabas.

Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 300,000 kaso ng COVID-19 ang California habang nasa mahigit 6,000 na ang naiulat na nasawi.

Facebook Comments