NASA BATAS? | Term extension ni PNP Chief Ronald Dela Rosa naaayon sa batas – PNP

Manila, Philippines – Nakapaloob sa batas ang pagpapalawig ng termino ni PNP Chief Ronald Dela Rosa.

Ito ang naging pahayag ni PNP Spokesperson Police Chief Supt. John Bulalacao matapos ang naging anunsyo kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na palalawigin nya pa ang termino ni PNP Chief Dela Rosa dahil kailangan pa raw ng reporma sa hanay ng PNP.

Sinabi ni Bulalacao na batay sa republic act 6975 na ang sinumang itinalagang PNP Chief ay maaring magsilbi ng hanggang apat na taon.


Katulad aniya ito sa sitwasyon ni General Dela Rosa na patuloy na nagsisilbi nilang PNP Chief na nakabatay sa nasabing batas at sa desisyon ng Pangulo bilang appointing authority.

January 21, 2018 ang retirement sana ni Dela Rosa pero pinalawig noon ng pangulo Ng hanggang Abril at aasahan pa magtatagal base na rin sa anunsyo ng Pangulong Duterte kagabi.

Facebook Comments