NASA BUCKET LIST | Paolo Ballesteros, bukas na makatrabaho si Vice Ganda

Manila, Philippines – Pasok sa bucket list ni Paolo Ballesteros ang Unkabogable Star na si Vice Ganda na nais niyang makasama sa isang proyekto.

Ito ay kahit pa magkalaban ang noontime show na kinabibilangan nila sa magkabilang network.

Ayon kay Paolo, personal naman niyang kakilala si Vice kaya walang magiging problema kung magkasama sila.


Samantala, magko-concert muli sa bansa ang Grammy-award singer na si Sam Smith.

Gaganapin ito sa October 5 sa MOA Arena.

Kabilang sa mga pinasikat niyang kanta ay ang “One Last Song”, “Stay With Me”, “Too Good At Goodbyes” at marami pang iba.

Facebook Comments