NASA COSTUDIYA NA | Dating BOC Intel officer Jimmy Guban, na-turn over na sa WPP

29

Manila, Philippines – Nasa costudiya na ngayon ng Witness Protection Program o WPP ng Dept. of Justice si dating Customs Intelligence Officer Jimmy Guban.

Si Guban ay sinundo sa senado ng mga tauhan ng WPP kaninang alas-dose ng tanghali.

Si Guban ay pitong linggong nanatili sa Senado simula noong Setyembre 12.

Kaugnay ito sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa tinatayang 6.8 hanggang 11 billion pesos na shabu na hinihinalang laman ng 4 na magnetic lifters na inibandona sa GMA, Cavite.

Ang pagsailalim kay Guban sa WPP ay inirekomenda ng Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon sa layuning mabigyan ito at kanyang pamilya ng proteksyon.

Naniniwala si Gordon na malaki ang maitutulong ni Guban sa imbestigasyon ukol sa drug smuggling dahil importante ang mga impormasyong hawak nito.

Facebook Comments