HINIKAYAT | West Philippine Sea, pinagagawang fishing grounds ng BFAR

34

Manila, Philippines – Hinikayat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mga local fishermen na mangisda sa West Philippine Sea.

Paliwanag ni BFAR Assistant Regional Director Robert Abrera, layunin nitong makapagpahinga ang ibang fishing grounds at hayaang magmature at makapagparami ang mga isda sa karagatan na laging pinangingisdaan.

Ayon kay Abrera, less-expploited area ang West Philippine Sea kaya tiyak na maraming mahuhuling isda dito.

Sa ganitong paraan ay makapagpapahinga ang mga karagatan sa Mindoro, Zambales at Panay Islands.

Nauna dito ay nagtayo ng community fish landing center at ice plant project sa barangay pag-asa island sa kalayaan para bigyang solusyon ang fisheries poverty reduction.

Facebook Comments