Nasa higit 400 colonels at generals, binibigyan ng hanggang katapusan ng Enero para makapagsumite ng courtesy resignation

Nasa kabuuang 456 na mga koronel at heneral pa ang inaasahang magsusumite ng kanilang courtesy resignation.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief General Rodolfo Azurin Jr., ito ay dahil nasa 500 na kasi silang mga opisyal ng Pambansang Pulisya ang nakapaghain na ng kanilang courtesy resignation.

Ani Azurin, mayroong hanggang January 31, 2023 ang mga ito para magbitiw sa tungkulin.


Paliwanag nito, hindi porke’t nagsumite na sila ng courtesy resignation ay hindi na sila maglilingkod sa taumbayan.

Aniya, hangga’t hindi nirerekomenda ng bubuuing 5 man committee at hindi tinatanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kanilang resignation ay tuloy pa rin sila sa pagtatrabaho.

Layon ng vetting process na masala ang Pambansang Pulisya mula sa mga sangkot sa kalakaran ng iligal na droga at upang mawala na ang negatibong impresyon ng publiko na dawit sa drugs ang mga matataas na opisyal ng PNP.

Facebook Comments