Umaabot sa higit 800 kandidato ang itinuturing ng Commission on Elections (COMELEC) na unopposed candidates o mga kandidatong walang makakalaban.
Sa datos na inilabas ng COMELEC, nasa 18,023 ang kabuuang bilang ng posisyon.
Ito’y para sa lokal na posisyon sa buong bansa.
Sa datos ng COMELEC, nasa 253 ang paglalabanan sa posisyon sa House of Representatives kung saan 39 na kandidato ang walang makakalaban.
Ang posisyon naman sa pagka-gobernador ay nasa 81 at siyam dito ang walang makakaharap kung saan 81 rin sa pagka-vice governor pero 11 dito ang walang kalaban sa darating na halalan.
Nasa 782 na posisyon naman sa miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at 45 dito ay walang katunggali sa eleksyon.
1,634 naman sa pagka-alkalde at bise-alkalde ang bilang na paglalaban pero 203 sa mga kumakandidato sa pagka-mayor at 254 sa pagka-vice mayor ang walang makakaharap sa halalan.
Umaabot naman sa 13,558 ang bilang sa bakanteng pwesto sa City o Municipal Councilors at nasa 284 ang walang kalaban sa darating na local elections.