NASA KAMAY NA NG PANGULO | Resignation ni Pulong, dedesisyunan

Manila, Philippines – Mayroong labinlimang araw si Pangulong Rodrigo Duterte para desisyunan ang pagbibitiw sa pwesto ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte. Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque sa isinagawang press briefing sa Marawi City kaninang umaga.

Gayunpaman ayon kay Roque, magsisimula lamang ang 15-day reglementary period sa oras na matanggap na ng Pangulo ang written resignation letter mula kay Paolo Duterte.

Paliwanag pa ni Roque, batay sa probisyon ng local government code, kailangang aksyunan ang liham ng pagbibitiw sa loob ng 15 days at kung hindi, ikukunsidera nang accepted ang pagre-resign nito.


Sinabi ni Roque na kanya itong tatalakayin mamaya sa Pangulo na huling niyang nakausap, nitong nakaraang Disyembre a-beinte tres.

Facebook Comments