NASABAT | 12 kilo ng marijuana, nasamsam sa operasyon sa QC

Manila, Philippines – Nasa 12 kilo ng marijuana ang nasamsam ng mga otoridad sa ikinasang buy-bust operation ng QCPD station 10 sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City.

Naaresto ang mga suspek na sina Mark Philip Jualan, 27-anyos, Jordan Brigas, 24-anyos at Juan Soriano, 27-anyos.

Ayon kay QCPD Station 10 Commander Police Superintendent Ariel Capocao, una silang nagsagawa ng operasyon sa Barangay Immaculate Concepcion, Cubao kung saan naaresto ang dalawang lalaki na nakuhanan ng dalawang kilong marijuana.


Itinuro ng dalawang suspek ang pinagkunan nila ng droga kaya nakipagkita ang mga pulis sa mga ito sa Congressional Avenue corner Gabriela Silang.

Narekober sa tatlong suspek sa follow up operation ang 10 kilo ng marijuana.

Gayunman, tumanggi na ang tatlo na sabihin kung sino ang kanilang pinagkukunan at mga parokyano.

Nabatid na nagkakahalaga ng P300,000 ang mga narekober na marijuana sa limang suspek habang nakuha rin sa kanila ang P100,000 na buy-bust money.

Facebook Comments