NASABAT | Bilyong pisong halaga ng shabu, nadiskubre sa isang container sa MICP

Tinatayang aabot sa 3.4 billion pesos ang halaga ng 500 kilo ng shabu ang nasabat ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Customs (BOC) sa isang inabandunang 20ft. Tall container van sa Manila International Container Port (MICP).

Ayon sa Customs, June 28 pa nang dumating ang container sa bansa mula sa Malaysia, na idineklara lamang bilang doorframe, ngunit makalipas ang 30 araw ay wala pa ring nag-claim dito.

Agad naman nakipag-coordinate sa Customs ang PDEA upang makapagsagawa ng inspeksyon sa naturang container, matapos makatanggap ng tip na may laman itong iligal na droga.


Nabatid na sa sobrang kapal ng bakal na ginamit sa magnetic scrap lifter na siyang pinagtaguan ng shabu ay hindi ito naamoy ng mga K9 unit.

Iimbestigahan naman ang consignee ng shipment na nakapangalan sa isang Vecaba Trading International sa 712 Galicia Street Sampaloc, Maynila.

Facebook Comments