NASABAT | Higit 100 baril, nakumpiska ng PNP sa katatapos lang na BSKE

Manila, Philippines – Tinatayang nasa 126 na iba’t ibang kalibre ng mga baril, apat na garanada, walong replika ng armas, 186 mga patalim at 453 mga bala ang nakumpiska ng Philippine National Police (PNP) sa katatapos lamang na election period.

Nasa 77 indibidwal naman ang kanilang naaresto na lumabag sa gun ban.

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, indikasyon lamang ito na ginawa ng PNP ang kanilang tungkulin sa nagdaang barangay at SK election.


Kaugnay nito, sinabi ni Albayalde na hainan na ng kasong paglabag sa Omnibus Election Code ang 6 na pulis na lumabag sa gun ban na posibleng humantong sa service dismissal.

Facebook Comments