NASABAT | Mahigit P20-M halaga ng shabu, nakumpiska sa isang Taiwanese

Muntinlupa City – Kalaboso ang isang Taiwanese national sa ikinasang buy-bust operation sa isang mall sa Muntinlupa City.

Ito ay matapos mabilhan ang suspek ng tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Calabarzon ng tatlong kilo ng hinihinalang shabu na may street value na higit P20 milyon.

Ayon kay PDEA Region 4A Chief Adrian Alvariño, matagal na nilang minamanmanan ang suspek.


Aniya, una nang nahuli ang kasamahan nito halos isang buwan na ang nakalipas.

Nakuha mula sa suspek ang isang retirement ID at isang membership card sa isang sikat na casino sa bansa.

Posible rin umanong sa casino nagaganap ang mga transaksyon ng naaresto at ng iba pa niyang kasamahan.

Sa pakikipag-ugnayan ng PDEA sa counterpart nito sa Taiwan, napag-alamang may kaso sa Kaoshiung prosecutor’s office ang suspek nitong Enero 2018 dahil sa pag-finance umano sa drug laboratory.

Facebook Comments