NASABAT | Mahigit P30-M halaga ng asukal, nadiskubre ng BOC sa inabandunang container

Manila, Philippines – Tinatayang nasa 39.37 million pesos na halaga ng asukal ang nadiskubre ng Bureau of Customs (BOC) mula sa 45 twenty-footer container na inabanduna sa Port of Manila (POM).

Ayon sa Customs, posibleng natakot na mabuko ang consignee ng shipment na ito kaya at inabanduna na lamang ang mga containers.

Lumalabas sa imbestigasyon ng customs, buwan ng Hunyo at Hulyo pa nang dumating sa bansa ang mga containers mula sa Thailand.


Idineklara lamang ito bilang, kitchen utensils, craft paper at packaging materials ngunit nang inspeksyunin ay dito na tumambad sa nga otoridad ang 22,500 sako ng asukal.

Nagmula sa Hup Lee Trading sa Thailand ang mga shipment, na ipapadala sana sa Red Star Rising Corporation sa Binondo Warehouse Depot na pag-aari ng isang Dante Lunar.

Nananatili sa BOC ang mga misdeclared items habang kinansela na ng lisensya ng importer nito.

Facebook Comments