Nasabat na bulto-bultong marijuana at ecstasy sa NAIA, nai-turn over na ng Customs sa PDEA

Manila, Philippines – Nai-turn over na ng Bureau of Customs (BOC) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang bulto-bultong marijuana at ecstasy na nasabat sa Ninoy Aquino International Airport.

Limang bulto ng marijuana na may timbang na hindi bababa sa pitong kilo ang nakumpiska ng BOC na deklaradong mga food additive, apparels, handbags at mga school supply.

Consignee nito sina Mark Dinglasan, Joel Shiela, Vicky Alvarez, James Garcia at Divino Peleo.


Buwan naman ng Hulyo ng dumating sa bansa ang ilang parcel ng ecstasy na galing pa sa Germany at nakapangalan sa isang Allan Mark Dinglasan.

Sinampahan na ang mga consignee ng kasong paglabag sa Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Facebook Comments