Cebu City – Nasa 2.5-milyong pisong halaga ng smuggled na mga motorsiklo, bisekleta at excavator ang nasabat ng Bureau of Customs sa Cebu International port.
Ayon kay BOC Commissioner Isidro Lapeña – galing sa Estados Unidos at Japan ang mga kargamento na idineklarang “personal effects at household goods”.
Pero nang isailalim sa scanner, napag-alamang misdeclared ang laman ng dalawang container van.
Bukod dito, sampung iba pa na naglalaman ng mga kahon-kahong mansanas, ceramic tiles, aluminum windows, channel steel, sapatos at bag ang isasailalim din sa valuation at assessment ng BOC.
Facebook Comments