Davao City – Aabot sa mahigit 400 na mga sako sa piratang mga DVDs , CD writers at TV ang nakumpiska sa mga tindahan dito sa Davao City sa ikinasang city wide simultaneous raids sa optical media board kasama ang Davao City Police Office o DCPO.
Ayon kay OMB Chairman Atty. Anselmo Adriano na nagkakahalagang mahigit kumulang 65 million pesos ang nakumpiskang mga kontrabando na nakatakdang i-turn over naman sa DCPO doon sa OMB.
Di rin umano bababa sa 60 vendors ang posibleng kakasuhan dahil sa paglabag sa batas na Ra 9239 o Optical Media Act of 2003.
Dagdag ni Adriano na bukas ang kanilang tanggapan para sa mga apektadong pamilya na nawalan ng ikinabubuhay at ipaiilalim sila sa alternative livelihood program.
Samantala sinabi rin ni DCPO City Director Senior Superintendent Alexander Tagum na matapos ang malaking raid, sana wala ng magbebenta ng mga piratang DVDs.