NASABUGAN | 22 nasawi sa pagsabog malapit sa isang chemical factory sa China

179

Dalawampu’t dalawa ang nasawi habang 22 pa ang nasaktan matapos ang isang pagsabog at sunog malapit sa isang chemical factory sa Northern China.

Naganap ang trahedya malapit sa Hebei Shenghua Chemical Company sa lungsod ng Zhangjiakou na may layong 200 kilometers north west ng Beijing.

Bukod sa mga nasawi at nasaktan, 50 mga trak din ang nasunog sa pagsabog na naganap hating-gabi kagabi.

Nagsasagawa pa rin ng search and rescue operation ang mga otoridad sa pinangyarihan ng pagsabog.

Patuloy din ang ginagawang imbestigasyon kung ano ang dahilan ng pagsabog.

Facebook Comments