NASABUGAN | 4 katao kabilang ang 2 mga bata, sugatan matapos masabugan ng granada

Surigao del Norte – Sugatan ang apat katao kabilang ang dalawang mga bata matapos masabugan ng granada sa Purok 5, Barangay Payapag, bayan ng Bacuag, Surigao del Norte.

Nakilala ang mga biktimang sina Gavino Javana, 44-anyos at Richard Balimba Sr., 28-anyos kasama na ang lima at 13-anyos na mga bata.

Sa ulat, inilabas ni Bamlimab ang itinagong 40mm at granada na kanilang pinaglaruan saka inihagis kung saan nasabugan sila nito at nadamay ang mga bata na naglalaro sa tapat ng kanilang bahay.


Napag-alaman natagpuan ni Richard ang granada nitong Marso sa bukiring bahagi ng little Baguio kaya at kanya itong itinago.

Facebook Comments