BUY-BUST | High value target drug pusher, sawi matapos manlaban sa Cebu

Cebu – Patay ang isang high value target drug pusher matapos manlaban sa buy-bust operation sa may Sitio Kimba, Barangay Cansujong, Talisay City, Cebu.

Kinilala ang nasawi na si Socrates Dacay na konektado sa napatay na drug lord ng Cebu na si Jeffrey “Jaguar” Diaz.

Sa ulat, namalayan ni Dacay na pulis ang kaniyang katransaksyon kaya tumakbo ito patungo sa loob ng kanyang bahay saka nakipagbarilan sa mga otoridad.


Nang gumanti ang mga pulis ay dito na napatay ang suspek kung saan nakumpiska mula sa kaniya ang 115 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P1.3-milyon.

Facebook Comments