NASABUGAN NG GRANADA | Deputy Chief of Police ng Cainta-PNP, patay sa engkwentro

Cainta, Rizal – Patay ang Deputy Chief of Police ng Cainta–PNP matapos maka-engkwentro ang ilang drug suspect sa bahagi ng Floodway, Cainta, Rizal.

Kinilala ang biktima na si Police Sr/ Insp. Jimmy Senosin.

Ayon kay Cainta-PNP Chief P/Supt. Rey Rocero – nakatanggap sila ng tawag kagabi mula sa isang concerned citizen tungkol sa mga armadong lalaki sa lugar.


Agad namang rumesponde ang mga pulis pero pagdating pa lang sa lugar, pinaputukan na sila ng mga suspek na nakilala lang sa mga alyas na “Ruben” at “Toto Ekis”.

Naghagis pa sila ng granada kung saan napuruhan sa ulo si Senosin.

Naisugod pa siya sa ospital pero binawian din ng buhay.

Nakatakas sina alyas Ruben at Toto Ekis habang naaresto naman ang mga kasabwat nilang sina Ronald Idolog at Josephine Lachica.
<#m_-1579467631390741903_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments