Na-rescue ng mga tauhan ng PNP-Women and Children Protection Center (WCPC) ang 16 na babae mula sa illegal sex trade sa Calamba City, Laguna.
Nasagip sila sa Getz inn sa Barangay Lecheria kung saan din naaresto ang pitong katao.
Ayon kay Calamba Police C/ Supt. Joselito Desisto – galing sa iba’t ibang mga lalawigan ang mga babae na ginagamit bilang mga sex worker.
Dinadala umano sa hotel ang mga biktima at doon sila binibigyan ng kliyente.
Nakakulong na sa PNP headquarters sa Camp Crame ang pito habang itinurn over sa WCPC ang mga biktima.
Facebook Comments