Inihayag ng 12 mga pasahero at apat na crew ng bangka ang nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos na maiulat na palutang-lutang ang bankang kanilang sinsakyan 800 daang metro ang layo sa Naval Port, lalawigan ng Biliran.
Ayon kay PCG Spokesman Captain Armand Balilo na nakatangap ang PCG Action Center, itinawag sa kanila ng concerned citizen ang bangkang mga tatlong oras ng palutang lutang sa karagatan.
Dahil dito kaagad namang nagsagawa ng rescue operations ang mga tauhan ng PCG at nailigtas ang pasahero at crew ng MBCA Sherkermerry na papuntang Biliran galing sa Higatangan Island.
Napag-alaman sa paunang imbestigasyon, nasira ang propeller ng nasabing banka dahil sa lakas ng alon ng silay nasa biyahe.
Lahat ng mga pasahero ay nasa mabuting kalagayan at pinauwi na rin ng PCG.