Inanunsiyo ngayon ng Presidential Taskforce on Media Security na nasampahan na ng kaso sa office of the Provincial Prosecutor sa Albay ang mga suspect sa pagpatay sa Albay journalist na si Joey Llana noong December 7.
Ayon kay PTfoMS Executive Director Joel Egco, nakilala ang suspect na si Erwin Talatag na sinasabing miyembro ng notorious Concepcion Criminal Group na sangkot sa serye ng mga holupan, extortion at Gun for Hire activities.
Natukoy aniya si Talatag matapos magtugma ang caliber 45 cartridge na nakuha dito at sa caliber 45 na nakuha naman mula sa crime scene.
Sinabi pa ni Egco na bukod sa kaso ni Llana ay natukoy din sa pamamagitan ng pagtutugma sa bala ng baril ay lumalabas din na ginamit din ang nakuhang baril kay Talatag sa pamamaril sa tatlo pang indibidwal sa iba pang mga kaso.
Umaasa din si Egco na magkakaroon pa ng mga susunod na magandang development sa kaso ni Llana na magbibigay ng katarungan sa pagkamtay nito.