NASAMPOLAN | 11-anyos na babae, pinagsusuntok ng naka-drugs na tricycle driver; Suspek, kinarate

Makati City – Arestado ang isang tricycle driver matapos na pagsusuntukin ang 11-anyos na babae niyang pasahero sa Barangay Pembo, Makati City.

Kwento ng biktima, sakay siya sa tricycle ng suspek na si Raul Gavino papasok sa eskwela nang tumigil ito, bumaba at nanigarilyo.

Maya-maya pa ay nagtangkang pumasok sa tricycle ang suspek at pinagsusuntok ang dalagita.


Natadyakan naman ng bata si Gavino at nakatakbo palayo.

Ayon sa lola ng biktima, limang suntok ang tinamo ng bata at buti na lang, nagamit nito ang natutunan niya sa karate class ng kanilang kapitbahay nitong bakasyon.

Inamin naman ng suspek na naka-droga siya at tingin niya sa bata ay kalabang mortal kaya niya ito pinagsusuntok.

Facebook Comments