Nasasaid na passport revolving fund, pinapa-imbestigahan ni Sen. De Lima

Isinulong ni opposition Senator Leila de Lima na maimbestigahan ng Senado ang napaulat na papabuos na Passport Revolving Fund (PRF) ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ang nasabing salapi ay nakalaan sa pagpapahusay ng passporting at consular services at iba pang serbisyo ng DFA.

Nakasaad sa Senate Resolution No. 629 na inihain ni De Lima na may karapatan ang publiko na malaman ang totoong estado ng PRF.


Tugon ito ni De Lima sa inihayag ni DFA Secretary Teodoro Locsin Jr., sa Twitter na naglaho na ang buong PRF at umaabot na sa ₱388 million ang utang ng ahensya sa APO Production Unit na siyang passport printing contractor ng gobyerno.

Dagdag pa ni De Lima, ang sinabi ni Locsin na ginamit ang PRF bilang travel at transportation allowance ay labag sa batas.

Facebook Comments