Approval ng saliva test para sa COVID-19, hindi na dapat patagalin

52

Pinamamadali na ni Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go sa Department of Health (DOH) ang approval ng saliva test para sa COVID-19.

Sinabi ni Go na kung talagang epektibo ito at mas mura ay huwag nang patagalin pa.


Ayon kay Go, bukod sa hindi masyadong masakit ang saliva test, mas makakamura ang tao at maging ang gobyerno.

Dagdag pa ni Go, mas madali ring lalabas ang resulta sa saliva test kaya mas makakaiwas sa pagkakahawa ng sakit.

Facebook Comments