Nasawi dahil sa Bagyong Dante, umakyat na sa tatlo ayon sa NDRRMC

May naitala pang dalawang nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Dante sa Davao Region sa Mindanao.

Batay ito sa ulat ng National Disaster Risk Reduction ang Management Council (NDRRMC).

Isang batang may edad isang taong gulang ang nalibing ng buhay matapos matabunan ng gumuhong lupa ang kanilang bahay sa Maco, Davao de Oro.


Habang isang lalaking 71 taong gulang naman ang inanod ng flashflood sa Davao del Sur dulot ng walang patid na mga pag-ulan .

May isa pang napaulat ding nasawi sa Region 12 o SOCCSKSARGEN pero hindi pa malinaw kung konektado sa Bagyo ang pagkamatay nito.

Sa ngayon patuloy ang monitoring ng NDRRMC sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Dante.

Facebook Comments