Nasawi dahil sa COVID-19 sa Taguig City, umabot na sa 12

Kinumpirma ng City Health Office o CHO ng Taguig na isa naman ang nasawi sa kanilang lungsod ng dahil sa Coronavirus Diseases 2019 o COVID-19.

Batay sa pinakabagong tala ng nasabing CHO, dahil sa pagkasawi ng isa pang pasyente ng COVID-19, umabot na sa 12 ang bilang ng mga binawian ng buhay na dulot ng virus.

Ang nasawing COVID-19 patient ay mula sa Barangay Maharlika Village ng lungsod, kung saan meron itong limang residente na nagpositibo sa COVID-19 at dalawa naman na ang mga naka-rekober mula sa nasabing sakit.


Samantala, mayroon din limang bagong confirmed COVID-19 cases ang Taguig.

Ito ay mula sa Maharlika, Ususan at Central Signal.

Ang kabuuang numero ng confirmed cases sa Taguig ay 174 na at 118 naman ang bilang ng mga suspected cases.

Facebook Comments