Nasawi sa Magnitude 6.9 na Lindol sa Davao Del Sur, umakyat pa sa 13

Umakyat pa sa 13 ang nasawi sa Magnitude 6.9 na Lindol na tumama sa Davao Del Sur noong December 15.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 12 na ang namatay sa Davao Region, at isa sa soccsksargen.

Nasa 210 naman ang sugatan habang isang indibidwal ang nawawala.


Aabot naman sa 53,983 na pamilya o 243,765 na indibidwal ang naapektuhan ng Lindol.

Umabot naman sa 48 pampublikong istraktura, 397 paaralan, 25 health facilities, at 126 na iba pang istraktura gaya ng establishments at simbahan ang nasira.

Bukod dito, nasa higit 25,000 bahay, 14 na tulay at tatlong kalsada ang napinsala ng Lindol.

Facebook Comments