Umakyat na sa siyam ang bilang ng nasawi sa nangyaring pamamaril sa mismong tahanan ni Negros Oriental Governor Roel Degamo sa Pamplona, Sabado ng umaga.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Region 7 spokesperson Police Lt. Col. Gerard Ace Pelare, labintatlo pa ang malubhang nasugatan sa insidente habang apat ang outpatients.
Samantala, isa pa sa mga suspek sa pamamaril ang nasawi sa engkwentro ng PNP, Armed Forces of the Philippines at Special Action Force kahapon.
Habang sumailalim na sa custodial debriefing ang tatlong naarestong suspek.
Matapos ang kanilang rebelasyon, ilang armas ang narekober ng mga awtoridad kabilang ang apat na assault rifles.
– 4 assault rifles
– 1 B40 RPG with 5 ammunitions
– 4 Bandolierw fully loaded with plates
– 1 rifle case
– 2 combat uniforms
– 1 grey sweatshirt
– 3 pairs combat shoes
– 1 caliber 5.56 with 6 magazines
– 2 magazine caliber 45 with 9 ammunitions
– 177 caliber 5.56 mm cartridges
– 1 rocket-propelled grenade
– 2 bullet proof vests
Tiniyak naman ng PNP na iniimbestigahan nila ang lahat ng posibleng motibo sa pamamaril.