Nasawi sa pananalasa ng Bagyong Odette sa bansa, nadagdagan pa ng tatlo

Umabot pa sa 409 mula sa 406 ang naitalang nasawi matapos manalasa ang Bagyong Odette sa bansa.

Sa nasabing bilang, 96 pa lang sa mga nasawi ang naberipika ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Nasa 1,384 indibidwal naman ang nasugatan at 65 ang nawawala.


Aabot naman sa 8,709,417 indibidwal o katumbas ng 2,453,075 na pamilya ang naapektuhan ng bagyo sa 9,068 barangay.

Kabilang sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo ang Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga, Northern Mindanao, Davao, Soccsksargen, Caraga, at Bangsamoro.

Tinatayang 1,395,097 na kabahayan ang nasira kung saan 1,031,063 ang bahagyang napinsala at 364,034 ang totally damage.

Habang kabuuang P17,300,477,117 ang napinsala sa imprastraktura at P15,995,375,355 sa agrikultura.

Facebook Comments