Philippine Genome Center, hindi pa masabi kung magiging mas nakakahawa ang susunod na variant ng COVID-19

209

Mahirap i-predict ang susunod na mutations ng virus.

Ito ang sinabi ni Philippine Genome Center (PGC) Executive Director Dr. Cynthia Saloma sa Laging Handa public press briefing kasunod nang naging pahayag ng World Health Organization (WHO) na ang susunod na COVID-19 mutation ay mas contagious at mas transmissible kaysa Omicron variant.

Ayon kay Dra. Saloma, posible itong mangyari pero hindi pa nila ito masasabi sa ngayon.


Base sa genome sequencing ng PGC dominant na sa bansa ang Omicron variant.

Aniya, halos lahat ng kanilang na-sequence ay Omicron variant at mangilan-ngilan na lamang ang Delta variant kung saan karamihan dito ay mula sa National Capital Region (NCR) at Calabarzon.

Facebook Comments