Nasawi sa unang araw ng giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia, umabot na sa 137!

Umabot na sa 137 katao ang nasawi habang 316 na ang sugatan sa nagpapatuloy na full scale invasion ng Russia sa bansang Ukraine.

Aabot na rin sa mahigit 100,000 katao ang napilitang lumikas upang umiwas sa gulo habang libu-libong katao naman ang umalis na ng Ukraine papunta sa mga kapitbahay nitong bansa.

Kaugnay nito ay iginiit ni US President Joe Biden na hindi ito magpapadala ng military troops sa Ukraine.


Dahil dito, nagpahayag ng pagkadismaya si Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa tila iniwan silang mag-isa upang labanan ang Russia.

Kinumpirma rin ni Zelensky na nakapasok na sa Kyiv ang ilang Russian sabotage groups kaya hinimok nito ang publiko na maging mapagbantay sa lahat ng oras.

Samantala, nagpahayag naman ang World Bank ng kahandaan na magpaabot ng agarang suporta sa Ukraine kung saan naghahanda na ang bangko sa pagdisburse nito.

Sa huling update ng Agence France-Presse, nakapagtala ng malalakas na pagsabog sa Kyiv na siyang kabisera ng Ukraine ngayong umaga.

Facebook Comments