Maliit na porsyento lang ng COVID-19 vaccine ang nasasayang sa bansa.
Ito ang inihayag ng Department of Health (DOH) kasunod ng insidente noong Biyernes kung saan dalawang box ng COVID-19 vaccine ang napasama sa lumubog na bangka sa Polillo, Quezon at pinag-aaralan ngayon kung pwede pa itong gamitin.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni DOH Spokesperson Usec. Maria Rosario Vergeire na mula sa 7.7 million doses ng bakuna sa bansa ay nasa 772 lang ang nasayang o nasa 0.009 percent lang at naaayon pa rin ito sa itinakda ng World Health Organization.
Samantala, naipamahagi na rin ng DOH ang 1.5 million doses ng bakuna ng AstraZeneca na inaasahang mae-expire na ngayong Hunyo.
Facebook Comments