
Ipinasuri na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nasirang bahagi ng Bukidnon–Davao City Road sa Palacapao, Quezon, Bukidnon.
Alinsunod na rin ito sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking tuloy-tuloy ang biyahe at koneksyon ng mga lalawigan para sa mga motorista at paggalaw ng mga pangunahing produkto.
Ayon sa DPWH, nagpadala na ito ng mga tauhan upang i-check ang kalsada kung saan magbibigay ng rekomendasyon base sa magiging resulta ng assessment.
Habang ipinag-utos naman ni Secretary Vince Dizon ang pansamantalang pagsasara ng kalsada habang nagsasagawa ng imbestigasyon.
Sa ngayon, pinayuhan ng DPWH ang mga motorista na iwasan muna ang Bukidnon–Davao City Road at dumaan sa mga alternatibong ruta.
Patuloy namang magbibigay ng update ang kagawaran hinggil sa pagsasaayos at rehabilitasyon ng nasabing kalsada.









