Manila, Philippines – Inaapula pa rin ang sunog na sumiklab sa magkakatabing gusali sa Binondo, Maynila.
Alas 12:36 kaninang madaling araw pa nag simula ang sunog sa ika-pitong palapag ng Land Management Bureau.
Nadamay na rin sa sunog ang katabi nitong commercial-residential building na Juan Luna building kung saan din nag oopisina ang National Archives of the Philippines.
Sugatan naman sa insidente si fire officer 1 jersey lopez at dalawang fire volunteers na sina jeffrey geron at marlon alonzo.
Mag-aalas 10:00 kaninang umaga nang itaas sa task force charlie ang sunog dahil sa patuloy na pag-buga ng maitim at makapal na usok mula sa mga nasusunog na gusali.
Facebook Comments