
Wala umanong records ng flood control projects ang nasira matapos na masunog ang gusali ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Quezon City.
Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni Independent Commission for Infrastructure (ICI) Chairman dating Justice Andres Reyes Jr. na walang dokumento ng flood control projects ang nasunog sa naturang DPWH building.
Gayunman, hindi iniaalis ni Reyes ang posibilidad na sunugin ng mga sangkot sa katiwalian ang isang opisina para masira ang mga ebidensya at mga records.
Inihalimbawa ni Reyes ang nangyari noong 1980 kung saan sinunog ng mga kriminal ang buong Treasury Building sa Cebu sa gitna ng imbestigasyon tungkol sa katiwalian.
Katunayan, nakipagpulong si Reyes sa Commission on Audit (COA) para paalalahanan ang mga ito na i-secure o itagong mabuti ang mga records at dokumento ng COA na naglalaman ng mga iregularidad sa mga government infrastructure projects.










