NATAGPUAN NA | Mga Chinese nationals na unang iniulat na na nawawala, nailigtas ng Coast Guard

Bohol – Narescue na ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Bohol ang labing-limang Chinese nationals na unang iniulat na nawawala kahapon matapos nagtangkang tumawid sakay ng dalawang motorbanca sa karagatan sa Bohol sa kasagsagan ni Bagyong Basyang.

Unang ipinaalam ng Chinese consulate sa Cebu sa Philippine Coast Guard ang situwasyon upang maglunsad kaagad ng search and rescue operation sa mga Chinese nationals na kinabibilangan ng apat na kabataan.

Ayun kay Ethel Natera ng Chinese Consulate Office sa Cebu, pagkaraan ng ilang oras natanggap nila ang ulat na nahanap ng coast sa Talibon, Bohol ang mga Chinese nationals na nakapagtago sa maliit na isla ng Cabul-An sa bayan ng Buenavista, Bohol, kung saan nasiraan ng makina ang kanilang mga pumpboat.


Nakatakdang bumalik ngayong araw sa Cebu ang na-rescue na mga Chinese nationals na nasa Getafe, Bohol na sa ngayon.

Facebook Comments